| Babae | : | Mga Bulalakaw! |
|---|---|---|
| Lalaki | : | Wow! |
| Babae | : | Ang damiā¦!? |
| Lalaki | : | Teka...... |
| Lalaki & Babae | : | Mga pagpipilian sa data roaming charging pala ito |
| Babae | : | Paano pumili?! |
| Travel Guru | : |
Gustong manatiling konektado habang nasa ibang bansa nang walang inaalala? Maraming pagpipilian sa pagtsa-charge sa merkado! Kung madalas kang bumiyahe para sa negosyo o bakasyon ikonsidera ang isang buwanang data roaming plan o data roaming pass Maaaring singilin ito kada buwan, araw, o base sa paggamit |
| Superscript: | : |
Buwanang data roaming plan Data roaming pass |
| Travel Guru | : |
Kung madalas kang bumiyahe sa Chinese Mainland o Macao tingnan kung kasama sa iyong plano ang data-sharing sa mga lugar na ito libreng alokasyon ng data roaming o 1-card-2-numero |
| Superscript | : |
Data sharing sa magkakaibang rehiyon Libreng alokasyon ng data roaming 1-card-2-numero |
| Travel Guru | : |
Madalang lang bumiyahe? ikonsidera ang mga prepaid travel SIM card mula sa mga service provider magbayad lang para sa kailangan mo |
| Superscript | : |
Prepaid travel SIM card na may takdang panahon ng paggamit at limitasyon |
| Travel Guru | : | Alinman ang piliin mo laging basahin nang mabuti ang mga tuntunin tulad ng mga detalye ng serbisyo, paraan ng pagsingil mga sakop na lugar, at panahon ng paggamit |
| Superscript | : | Basahin nang mabuti ang mga tuntunin Mga detalye ng serbisyo Paraan ng pagsingil Mga sakop na lugar Panahon ng paggamit |
| Travel Guru | : |
Paganahin lang ang roaming pagkarating sa destinasyon |
| Superscript | : | Paganahin ang roaming pagkarating |
| Travel Guru | : |
At alamin ang posibleng pagbagal ng bilis at karagdagang bayarin na maaaring ipataw kung lumampas na sa limitasyon ang iyong nagamit na data |
| Superscript | : | Tandaan ang posibleng pagbagal ng bilis at karagdagang bayarin |
| Travel Guru | : | Kontakin ang iyong service provider para sa mga katanungan |
| Superscript | : | Maging Roaming Master at Mag-internet sa Ibang Bansa nang walang Kahirap-hirap. |